Two Tagalog Poems

Posted: 11/01/2017 in Poetry
Tags: , , , , , , , , ,

I started writing poetry in my mother tongue, eventually in english when I felt comfortable. I have written a lot in the past, and since blogging wasn’t a thing then, those pieces of paper where they were written got lost due to me constantly moving.

I have been checking old blogs and I saw these two poems I have written in Tagalog (or Filipino) when I was around 17. I am posting it here so that my Filipino readers can take a glimpse on the rawness of my writing.

Enjoy!

(1) E. R.
Nagkakagulo ang mga nars,
Sigaw dito…
Sigaw doon.

Nakabibingi ang ulaw ng kanilang mga tinig,
na pumapaslang sa kabog ng aking dibdib.
Palakad-lakad yaong taong maputi,
Paroo’t parito, tuliro…

Ang kanyang buntung-hininga
Ang siyang humahakab sa malamig kong kalul’wa.

Mahal kita. Hindi ko man naipadama.
Salamat. Hindi ko man nasambit.
Buong puso kitang iniaalay,
Sa kamay ng Dakilang Lumikha.

Hawak ko,
Ang mala-yelong kamay mo.
Mahina na ang paghiyaw ng iyong lugmok na puso.
Nandirito lang ako. Hindi kita iiwan.
Ipikit mo na ang iyong mga mata.
Humimbing.
Lumaya ka.

Mabubuhay ka sa aking alaala.
Mahal kita.

(2) Adik Sa Kape
Namulat ang mata sa nakabubulag na liwanag
Isang bagong umaga ang inahin sa aking hapag
Subalit ang lungkot ng kahapon at lamig ng gabi
Ay nakabakas pa din sa puso’t kalul’wa kong sawi

Isang tasang kape ang pumawi sa nadarmang kalungkutan
Ang init nito’y nanuot sa kasuluk-sulukan ng kalamnan
Pinawi ang lamig na nadrama ng kaluluwa
Animo’y naroon akong muli at kayakap ka

Ang bawat higop ay isang milya palapit sa iyo
Sapagkat bawat lagok ay katumbas ng apoy ng mga palad mo
At unti-unti’y nagbabalik ako sa hapong iyon kung kailan unang nadama
Ng puso kong hangal ang kakaibang pagsinta

Matamis… Tulad ng ating unang halik, unang yakap
Kung saan kakaibang ligaya ang aking nalasap
Ang sensasyong kakaiba na idinulot noon
Di kailanman mawawaglit lumipas man ang daangtaon

Mapait… Tulad ng mga luhang ibinuhos ko paglisan mo
Tulad ng pagsambit sa pangalan mo, at paghiyaw ng puso ko
Subalit sa kabila ng pait naroon ang pag-ibig na di mamamatay
Dumulog man ako sa kabilang buhay

Kasabay ng pagbalik ng ating mga alaala
Patuloy kitang gugunitain, aking sinta
Mauubos na ang kape sa aking tasa
Makapiling ka lamang, ako’y iinom pa ng isa

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s